~ Tuesday, May 20, 2008 ~
:: Buhanging Dumudulas ::



Sometimes, you struggle too hard in search for an explanation, something that could make sense of the jumbled pieces, a rationale with which to assemble them. You look back not just once, but many times over, expecting to come across another clue that might help you solve the mystery. But not all mysteries have an answer, nor do they even require an explanation as to why they remain unsolved. And sometimes, you search for something good from the rubble, something like a lesson learned or some wisdom gained, and the experience denies you even that. There's simply nothing, nothing. At the end of all things, you're with yourself... and, if you're lucky, with the real understanding of a friend or two.

Nasa UP Diliman ako kanina, paikot-ikot sa jeep. Masarap sa mata ang pagka-luntian ng paligid, at hindi ko mapigilang ikumpara ito sa walang buhay na grey ng UP Manila. Kung sa bagay, ang mundo nga naman ay in shades of grey.

Sa gitna ng ingay ng makina at nagdadaanang sasakyan, sa init ng araw at usok ng tambutso, nagiisip ako. Saan nga ba ako naging mas masaya: sa Pisay o sa UP Diliman? Lagi kasing sinasabi ng nanay ko na high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang estudyante. Sa kolehiyo daw kasi, kanya-kanya na. Ngunit marahil kakaibang sitwasyon ang sa MBB dahil kakaunti talaga kami.

Naalala ko tuloy ang sabi ng isang emcee nung orientation sa UP Manila: na ang mga tao daw sa College of Medicine ay nagre-regress sa pagkabata dahil magkakakilala ang mga tao, Small community nga daw kasi ang CM. Ang una ko talagang naisip, "What?!" Sa isang batch nga sa CM, 160 ang estudyante. Merong limang batches, at pag isinama mo pa ang mga miyembro ng faculty, mga kawani... Kamusta naman ang small community? Sa MBB nga, wala pang 160 ang lahat ng tao. Anong tawag sa amin, basic social unit? Therefore, sabi namin habang natatawa, magpprogress kami!

Matapos nun ay lima kaming sabay-sabay umuwi, nakasakay sa kotse ni Kevin: ako, si Kevin, Joshua, June at Clint. Dama ko sa paguusap namin na lahat kami, excited na mag-medicine. Parang bagong buhay kasi uli. Pero si Kevin, paulit-ulit niyang binabanggit ang salitang 'change'. Pagbabago nga naman talaga. Malaking pagbabago. Hindi lang kami ang nakakaramdam; pati sina Andrea, sina Kent at Biji. At ewan ko ba, parang lahat kaming MBB na magme-med, alam namin na dapat mas maging close kami sa isa't-isa. Kailangan makasabay kami sa pagbabago. Tulad nga ng sabi ko kay Andrea, doon mo siguro malalaman kung isa ang puso ng mga tao, kapag nakakasabay nang sabay-sabay sa pagbabago.

Kaya bumalik nga tayo sa una kong tanong. Saan nga ba ako naging mas masaya: sa Pisay o sa MBB? Masaya sa Pisay, kasi dun nadisimula ang lahat ng galit ko galing grade school. Dun ko nalaman kung ano ang totoong kaibigan, kung sinu-sino ang mga totoo kong kaibigan. Pero hindi ko talaga maiwasang maisip ang mga masasakit na bagay kapag naisip ko ang Pisay; isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong bumalik doon. Kaya rin ako kinakabahan sa med kasi ang daming Pisay. Parang Pisay all over again na naman. Immature at stupid pakinggan, pero sa palagay ko I'm entitled to it naman.

Sa UP ko lang talaga nahanap kahit paano kung ano ang niche ko, kung saan ako magaling, kung saan ako pwedeng maging magaling. Sa MBB din ako nakakilala ng iba't-ibang klaseng tao na okay sa kanilang paraan, nakapagkaibigan sa mga hindi ko naisip na kakaibiganin ko. Sa MBB, wala akong issue. Walang masakit na nangyari. Sa MBB din ako nakahanap ng mga taong makakaintindi ng mga ibang bagay na ako mismo hindi ko maintindihan. Lahat yata ng eccentricities tinatanggap sa MBB, sooner or later, at tinatawanan nalang. Sa MBB din, good influence ang mga tao. Inosente, kung tutuusin, kumpara sa mga kaedad namin ngayon. Mga isip bata, sabi ng kaibigan ni Andrea. At sabi nga ni Lei, magkakahawig daw kami ng ugali, kami-kami sa MBB. Haha. Total immersion ba ito sa isa't-isa?

Eto nga ang kinakatakutan ko noon, kaya umiiwas ako na makita sila. Maliban sa tinatamad ako, naisip ko kasi mas madaling kumawala at pumutol ng ties kapag hindi mo na nakikita yung mga taong iiwan mo din. Ngunit eto ako, sinasabing mas masaya ako sa MBB ngunit hinahanap pa rin ang pusong mukhang naiwan sa high school, at eto akong dating umiiwas makita ang blocmates na ngayo'y gustong sulitin ang mga natitirang araw bago ako magsimula ng panibagong biyahe na hindi sila kasamang lahat, habang nagiisip kung paano nga ba mapapanatiling malapit sa isa't-isa. Sa bawat sikreto na ibinahagi ng isa sa bloc (dahil sadyang mabilis kumalat ang balita sa amin, haha) ay mas lalong nagkakilanlan ang mga tao, mas nagtiwala, mas tumibay ang samahan. Ngunit nabubura ang mga sikreto, nawawalan ng halaga sa paglipas ng panahon, at matapos nun ay mayroon pa bang panghahawakan ang dating malapit na magkakaibigan?

Hindi ko alam, kaya ako natatakot.

Alam ko namang makakatagpo din ako ng mga bagong kaibigan sa med. Kaya lang, hindi katulad ng mga damit na pinaglumaan o kinalakihan, sana pwede pa rin itago ang mga dating kaibigan. Magbabago ang maraming bagay sa maraming tao, pero sana masubaybayan iyon ng puso ko kahit sa malayo... at kayaning makisabay para sa aming muling pagkikita, parang walang nagbago. Parang hindi lumipas ang panahon. Iisa pa rin ang pintig ng mga ito.

  
1 petals plucked.


Andoi
June 1, 2008   03:10 AM PDT
 
Jade, nalungkot uli ako. Pero hayaan mo. Papadalhan kita ng mga mahahabang emails kaya kahit di tayo sabay online, malalaman mo pa rin ang mga kabaliwan ko. :)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments